Showbiz News

WATCH: Andrea Torres, calendar girl ng isang beverage brand

By CHERRY SUN

Tampok bilang calendar girl ng isang beverage brand for 2017 si Andrea Torres. Aniya sa panayam ng 24 Oras, malaki raw ang naitulong ng kanyang role sa Alyas Robin Hood para mapanatili ang kanyang sexy body.


Effortless ang pagiging sexy, daring at fit ni Andrea sa pictorial para sa nasabing beverage brand. Wala raw siya masyadong naging paghahanda dahil sa tulong na rin ng kanyang karakter bilang si Venus sa Kapuso primetime show.

Sambit niya, “Nakakatulong din kasi siyempre hindi ka magpapabaya dahil ‘yung mga pinapasuot sa ’yo. Tapos, napupuyat ka pa. So nakaka-burn din, lalo na at action din ‘yung Alyas Robin Hood. Nakakapag-exercise din ako sa taping.”

Dagdag pa niya nang tanungin kung mas magiging daring siya sa susunod na taon, “Siyempre ayaw ko magkaroon ng ano, ng feeling na hindi ko nabigay lahat.”

Hindi na rin daw nakakaapekto kay Andrea kung may bashers siya.

“'Pag may nagba-bash, hindi ko na lang pinapatulan. Kasi 'pag mag-explain pa ako, baka may masabi pa ako na hindi nila magustuhan ulit, lalo lang ako ma-bash,” paliwanag niya.


Video courtesy of GMA News

 

MORE ON ANDREA TORRES:

 

LOOK: Megan Young at Andrea Torres, nagpatalbugan sa suot nilang matching red bikinis

WATCH: Hot weather report ni Andrea Torres sa Bubble Gang, umabot ng 1M views

READ: Netizens defend Andrea Torres's outfit from basher