Showbiz News

Nar Cabico, excited na para sa finals ng 'Superstar Duets'

By FELIX ILAYA

 

Ngayong Sabado, December 17 na ang grand finale ng Superstar Duets kaya naman hindi mapigilan ng finalist na si Nar Cabico na madama ang excitement, lalong-lalo na't makakaharap niya ang kaniyang best friend na si Jerald Napoles sa finals.

Nakapanayan ng GMANetwork.com si Nar at para sa Kapuso singer-actor, hinihiling daw talaga niya na sana ay magkaharap sila ni Jerald sa finals. 

Aniya, "Napakasaya kasi ang lakas maka hashtag Friendship Goals! Kumbaga, wala nang competition ito, I would gladly lose to Kuya Je (Jerald Napoles). Inisip ko 'yun noong day one pa lang, parang masaya kung umabot kami sa finals at 'yon na nga ang nangyari."

Wala na raw talagang competition na namamagitan sa kanilang dalawa. Ang totoo nga ay nagtutulungan pa sila upang makapagbigay ng magandang show sa mga manonood.

"Nakakatuwa lang kasi 'yung mga concepts namin ni Jerald, kami ang nag-suggest sa isa’t isa. Preparation-wise, inuulit-ulit ko 'yung routine sa utak ko kasi medyo madaming ganap. But again, I’m just ready to have fun," pag-amin ni Nar.

Dagdag pa ni Nar na asahan daw natin ang matinding pasabog sa kanilang performance.

Ika niya, "Expect something out of the ordinary. Ilalabas ko 'yung iba ko pang skills na hindi ko pa napapakita sa show na ito. For the past 15 weeks, halos puro ballads at love songs ang mga kanta ko, but for my finale, it’s gonna be a party!"

Lastly, nagbahagi rin si Nar ng maikling mensahe para sa mga fans ng show. "Basta, they shouldn’t miss the grand finals, bibigay namin [ang] lahat!," ika niya.

MORE ON 'SUPERSTAR DUETS':

Finale ng 'Superstar Duets,' ngayong Sabado na!

READ: Jerald Napoles, may mensahe sa kaniyang makakatunggali sa grand finals ng 'Superstar Duets'

Superstar Duets: Osang and Adele Antada's 'Luha'