Showbiz News

Mika Dela Cruz: 'Nag-iba ang atmosphere [ko sa GMA kumpara sa dating TV network]

By AL KENDRICK NOGUERA

"Opo, [pakiramdam ko na nagsisimula ako ulit]," 'yan ang tugon ng bagong Kapuso actress na si Mika Dela Cruz nang tanungin kung naninibago ba siya dahil sa paglipat ng TV network.

Bagama't 11 years nang nasa industriya si Mika, itinuturing niya na bagong simula sa kanyang career ang desisyon niyang paglipat sa GMA.

Ano ang dahilan ng paglipat ni Mika Dela Cruz sa GMA?

Kuwento ng dating Kapamilya actress, ibang-iba raw ang working environment niya ngayon. Aniya, "Nakakapanibago lalo na nag-iba 'yung atmosphere ko, nag-iba 'yung workplace, ibang tao 'yung nakakasalamuha ko, bagong lugar, bagong klaseng trabaho, bagong pakikitungo, bagong pakikisama so nag-a-adjust po [ako]."

Gusto raw ni Mika na mayroon siyang mapatunayan bilang isang Kapuso star. Saad niya, "Feeling ko kailangan kong patunayan 'yung sarili ko ulit kahit nagawa ko na naman siguro sa dami ng nagawa ko roon sa kabila. Siyempre, bago 'to eh."

Dagdag pa niya, "Hindi nila (Kapuso viewers) alam kung paano umarte, hindi nila alam kung sino ako bilang tao. Bago eh, hindi nila ako kilala so kailangan ko ulit patunayan [ang] sarili ko so nagsisimula po ulit ako."

Pero ayon kay Mika, wala raw siyang nararamdamang pressure ngayon kumpara sa dating TV network. "Wala akong nafi-feel na pressure rito sa GMA kaya nakakatuwa kasi parang kahit kailangan mong patunayan sarili mo, hindi ka mape-pressure. Hindi ka matataranta na magkunwari," pagtatapos niya.

Abangan ang first Kapuso teleserye ni Mika na Meant To Be ngayong gabi na pagkatapos ng Alyas Robin Hood sa GMA Telebabad.

MORE ON MIKA DELA CRUZ:

Mika Dela Cruz "guardian angel" ang kanyang ate Angelika Dela Cruz?

Mika Dela Cruz stuns in Shinjuku photo shoot for clothing brand

Mika Dela Cruz celebrates 18th birthday