Showbiz News

Rufa Mae Quinto, isinugod sa ospital

By CHERRY SUN

Lubos-lubos ang pasasalamat ni Rufa Mae Quinto sa kanyang mister na si Trevor Magallanes matapos siyang isugod sa ospital noong January 8, Linggo ng gabi.

Bahagi ni Rufa Mae sa kanyang Instagram post, “Nasugod kami ng anak ko last night sa hospital. Kuwento ko more details soon, nakaya namin lahat.”

“Sarap ng may minamahal, may nagmamahal. Lahay kaya mo, lahat laban. Anak, mahal ka namin at maraming abangers sa’yo. So wait 1 more month. We will see you and the world. Thank you,” patuloy ng sexy comedienne.


Dahil sa pangyayari ay maraming na-realize ang first-time mom.

Aniya, “Ganito pala maging ina, kailangan sobrang tibayan at sobrang lakas ng loob mo para mairaos mo ang anak mo sa kung ano ang test. Totoo ang kasabihan na you are risking your life pag preggy. Natakot ako, ninerbyos pero bandang huli, I told myself I have to be strong for my daughter @alexandriamgallanes.”

Malaki rin daw ang naging papel ng kanyang mister sa kanyang pinagdaanan.

“Sa tulong ng asawa ko, naging mas madali kanina, naka-recover kami agad ng anak ko. Salamat daddy @trevvvsilog for being with us the whole time. Our daughter will be very proud of you! The best gift that dad could ever give to her child is to be there, give support 100%,” sambit ni Rufa.


Pagkatapos daw ng kanyang confinement ay pinayuhang mag-bed rest si Rufa. Inaasahan ding manganganak na siya makaraan ang isang buwan.

MORE ON RUFA MAE QUINTO:

LOOK: Rufa Mae Quinto, nakita na ang hitsura ng unica hijang si Baby Alexandria

LOOK: Rufa Mae Quinto's hubby is for keeps!

24 must-see photos of Rufa Mae Quinto's gorgeous wedding