Showbiz News

LOOK: Robin Padilla, Mariel Rodriguez at kanilang anak, magkakapiling na

By CHERRY SUN

Matapos ang matagal na paghihintay, kapiling na ngayon ni Robin Padilla ang kanyang mag-ina na sina Mariel Rodriguez at si Baby Isabella.

Sa Instagram account na gawa para sa mga umiidolo sa mag-asawa, makikitang nitong Martes, January 10, ay sinundo ni Robin ang kanyang misis sa airport.


Hindi nila pinalagpas ang pagkakataon sa kanilang pagtatagpo at nagpakuha sila ng kanilang unang family picture na magkakasama na. Noon kasi ay kuha lamang gamit ang isang video messaging application ang kanilang litrato.


Sa Amerika nanganak si Mariel, at hindi nakasunod doon si Robin dahil hindi pa rin naaaprubahan ang kanyang US visa application. Ngayong nakauwi na sila, hindi maitago ni Robin ang kanyang galak.

Aniya sa kanyang isang post, “She came home and the whole sky became a rainbow.”


Paglarawan pa niya sa isang litrato, “Ang dati at ang bagong reyna ng Casa Maria.”


MORE ON THE PADILLA FAMILY:

LOOK: Mariel Rodriguez posts first photo of baby Isabella on Robin Padilla's birthday

WATCH: Kylie Padilla, masaya sa absolute pardon na natanggap ni Robin Padilla

LOOK: 7 Reasons why Kylie Padilla will be an awesome big sister to Baby Maria Isabella Padilla