Showbiz News

READ: Dianne Medina, dinepensahan ang pinsan na si Maxine Medina laban sa kanyang mga 'fake friends' 

By AEDRIANNE ACAR

Palaban ang actress/TV host na si Dianne Medina sa kaniyang Facebook post patungkol sa mga tinawag niyang ‘fake friends’ na nagba-bash sa kaniyang pinsan na si Miss Universe candidate Maxine Medina.

Hindi naiwasan maglabas ni Dianne ng sama ng loob sa mga kaibigan diumano niya na may negatibong komento sa Pinay Beauty queen.

Sinabi din ng actress na blocked na ang kaniyang mga followers na nakapag-bitaw ng masasakit na comment sa kaniyang pinsan.

Aniya, “FAKE FRIENDS FAKE LOVE. For all of my INSENSITIVE friends here in fb who still share, like, make comments and say negative things about my cousin, YOU will be DELETED/BLOCKED! If some of you are wondering why we aren't friends anymore and you don't have access to my account, it's because I already UNFRIENDED YOU. Truly, we can't please everyone so yeah, I'm really sorry but I have to do this to end things in a PEACEFUL WAY. NO WORDS, JUST BLOCK. #FO  Still, God bless everyone! #LABANMAXINEMEDINA”


Malakas din ang paniniwala ni Dianne na si Maxine ang pang-apat na Pinay na mag-uuwi ng korona ng Miss Universe.


MORE ON MAXINE MEDINA:

12 sexiest bikini photos of Bb. Pilipinas Universe 2016, Maxine Medina

Celebrity couple Rodjun Cruz at Dianne Medina, suportado ang pinakabagong Bb. Pilipinas Universe

IN PHOTOS: Is he the Mr. Universe of beauty queen, Maxine Medina?