Showbiz News

WATCH: Alden Richards, sinorpresa ni Maine Mendoza sa kanyang birthday party

By CHERRY SUN

Present ang malalapit na kaibigan at katrabaho ni Alden Richards sa simple birthday celebration ng Pambansang Bae. Dito ay sinorpresa rin siya ng kanyang ka-love team na si Maine Mendoza.

Dumalo sa kanyang selebrasyon sina Kris Bernal, Bea Binene, Kristoffer Martin, Joyce Ching, Rodjun Cruz at Jerald Napoles. Present din sa event sina GMA Films President Annette Gozon at GMA First Vice President for Program Management na si Joey Abacan.

Isang sorpresang inayos ng kanyang fans club na Aldenatics ang naging party ni Alden.

Bahagi ng Pambansang Bae sa panayam ng 24 Oras, “Kasi 'pag ganitong parties minsan involved ako eh sa planning, involved ako sa works. Pero ngayon, wala akong idea kaya nakaka-tense eh.”

Nakumpleto rin ang sorpresa nang dumating sa event si Maine.

“Para sa kanya naman ‘to. Siyempre birthday niya so sana happy siya lalo,” wika ng aktres habang ilinilihim ang kanyang regalo para sa kanyang leading man.

Ano naman kaya ang birthday wish ni Alden?

Saad niya, “Sana po maging successful at maging maganda po ‘yung outcome ng magiging soap namin ni Maine, and more projects for us. 'Tsaka, good health. Number one, good health.”

Video courtesy of GMA News

MORE ON ALDEN RICHARDS:

WATCH: Netizens, kinilig sa special message ni Maine Mendoza kay Alden Richards

LOOK: Alden Richards' star-studded birthday celebration

WATCH: Alden Richards, naniniwala sa potensiyal ni Maine Mendoza bilang aktres