TV

'Karelasyon' presents 'Selos'

 

 

Dahil sa matinding selos, ang mag-asawang sina Ofelia at Arturo ay nasa bingit na ng hiwalayan. Ang pinagmulan ng kaguluhang ito ay mga text message ni Arturo para sa isang misteryosong “sweetie.”  

 

Sa galit, hindi lang pinapaalis ni Ofelia si Arturo sa kanilang bahay kundi pinunit din niya ang kanilang marriage contract! Si Arturo naman, tila walang magawa o masabing makakapagpahupa ang galit ng asawa.

Subalit bago mangyari ang nakatakda nilang hiwalayan, biglang dumating ang kanlang mga ina upang mag-bakasyon pansamantala. Upang hindi masaktan at masama pa sa gulo ang kanilang mga magulang, mapipilitang magpanggap sina Ofelia at Arturo na wala silang problema kahit na inis na inis sila sa isa't-isa.

Tuluyan kayang mauwi sa hiwalayan ang dalawa? Ano ang magiging papel ng kanilang mga ina para maayos ang pagsubok na ito sa kanilang relasyon.

Ito ang simpleng kuwentong ihahatid ni Ms. Carla Abellana sa Karelasyon ngayong darating na Sabado. Tiyak na kapupulutan niyo ng aral ang storyang ito na pagbibidahan nina Antonette Taus at Archie Alemania, kasama ang mga batikang aktres na sina Nanette Inventor at Mitch Valdez. Kasama rin sina Roanna Sarinas at April Tanhueco

Mapapanood ang Karelasyon tuwing Sabado ng hapon sa GMA-7, 3:15pm o pagkatapos ng #LIKE.