TV

Janine Gutierrez, pressured at kinakabahan sa kanyang most challenging role to date

By AL KENDRICK NOGUERA

Maganda ang pasok ng 2017 kay Kapuso actress Janine Gutierrez dahil bibida siya agad sa isa sa upcoming GMA teleseryes na pinamagatang Legally Blind.

Sa story conference ng GMA Afternoon Prime soap na ginanap ngayong January 17, inamin ni Janine na kinakabahan siya dahil ito na raw ang kanyang most challenging role to date. 

"Super excited ako sa Legally Blind kasi sobrang ganda ng story kaya talagang nape-pressure rin ako kasi ito na talaga 'yung pinaka-challenging role ko ever. Gusto ko talagang magampanan nang mabuti kasi nga ang ganda-ganda ng kuwento. Ngayon lang ako nakakita ng story na ganito. So 'yon, excited, nervous [ako]," bahagi ni Janine.

Bibigyang buhay ni Janine ang character ni Atty Grace, isang napakagaling na lawyer ngunit mayroon siyang kapansanan. "Super matalino, masipag, kaya lang, mayroong mangyayari sa kanya na will cause her to be blind," pagpapakilala niya sa role.

Dagdag pa niya, "So 'yon talaga 'yung pinaka-challenging para sa 'kin kasi 'di ba siyempre kailangan magampanan mo nang may hustisya 'yung isang tao na differently abled 'di ba? Tapos rape victim [pa siya], kaya talagang challenging para sa 'kin. Super heavy drama [ito] kaya graduate muna [ako] sa pabebe."

Makakasama ni Janine sina Kapuso actors Mikael Daez, Marc Abaya, Lauren Young, Rodjun Cruz at Chanda Romero sa Legally Blind na magsisimula na ngayong February.

MORE ON JANINE GUTIERREZ:

EXCLUSIVE: Janine Gutierrez, love o career ang uunahin?

EXCLUSIVE: Janine Gutierrez, may payo sa mga career woman na tulad niya

12 photos of Janine Gutierrez that prove she's a natural goddess