Showbiz News

'Tapos na 'yung panahon ng showbiz talk shows' -GMA SVP for Entertainment Lilybeth Rasonable

By ANN CHARMAINE AQUINO

 

 

Sa press conference ng GMA Entertainment TV Drama nitong Lunes, January 16, sinagot ni Senior Vice President for Entertainment TV Lilybeth G. Rasonable ang dahilan kung bakit hindi na masyadong epektibo ang showbiz-oriented talk shows ngayon.

Pagsisimula niya, isang factor ay ang real-time update sa social media. Aniya, "Ngayon lang nababasa na natin 'yung pinagsasabi ko sa Twitter at saka sa ano.. parang ibang-iba na talaga. Tapos na 'yung panahon ng mga showbiz talk shows. "

"Kasi nga unahan na. Mamayang gabi stale na 'yun kasi nabasa na ng lahat. So we have to find other ways." Dagdag pa niya.

May ibang considerations pa rin umano sa ibang talk shows ng Kapuso Network dahil mayroon itong iba't-ibang klase ng konsepto. 

"Yung talk, hindi naman 'yan siguro mamamatay, we just have to find other topics and other ways of doing talk that will excite our viewers considering the social media now is such a strong element in the lives of our audience."

Isa sa mga rason kung bakit may showbiz-oriented talk shows gaya ng Startalk ay ang pag-promote ng upcoming shows ng mga artista. Kaya naman inalam ng mga press kung ito ba ay nagkaroon ng epekto sa promotion.

"We have other shows that can do that like Sunday PinaSaya, Full House Tonight which is coming up, we have Mars, we have Taste Buddies, we have so many talk shows that can still do that," saad niya.

Dagdag pa ng Senior Vice President for Entertainment TV, "Unang Hirit because mataas rin ang viewership ng Unang Hirit so hindi pa rin tayo nagkukulang sa platforms kung saan puwede sila mag-promote. And, Chika Minute puwede rin sila doon."

MORE ON GMA ETV: 

Lilybeth G. Rasonable on Kris Bernal: "Feeling namin kaya niya ang 'Impostora'"

GMA Network TV exec, nagsalita tungkol sa 'no to soft porn' policy na isinusulong ni Mocha Uson

Kapuso drama series, patuloy na mamamayagpag ngayong 2017