Ang mga sikreto ba ang sisira sa pamilya o siya pang bubuo nito? Isa na namang natatanging serye ang handog ng GMA sa 'My Mother's Secret.'
Tampok sina Christian Bautista at Gwen Zamora bilang mag-asawa sa 'Family Secrets.'
Excited ang dalawa sa kanilang pagtatambal!
Si Christian ay gaganap bilang Anton, may-ari ng isang construction company, habang si Gwen naman ay si Vivian na isang former actress.
Nang madawit sa isang iskandalo, babalik si Vivian sa kanyang probinsya.
Si Diva Montelaba ay si Lorraine na fiancée ni Anton na iiwan nito para balikan si Vivian.
Matapos ang patok nilang love team sa 'Strawberry Lane,' muling magsasama sina Kim Rodriguez at Kiko Estrada sa 'Family Secrets.'
Isa pang 'Strawberry Lane' star ang makakasama nila rito—si Joanna Marie Tan!
Gaganap naman ang veteran actress na si Lotlot de Leon bilang Cora, ang komadronang may ilang sikeretong itinatago.
Kasama rin sa serye ang theater actress na si Jmee Katanyag.
'My Mother's Secret' will be directed by Neal del Rosario.