Showbiz News

WATCH: Michael Martinez, itinangging photoshopped ang litrato niyang nag-viral

By CHERRY SUN

Nagulat ang Pinoy Olympic Ice Skater na si Michael Martinez nang maging viral ang isa niyang litrato. Paglilinaw rin niya na hindi photoshopped ito.

Ang litrato kung saan naging usap-usapan ang abs ni Michael ay kuha sa Southern California nang mag-hike siya kasama ang kanyang mga kaibigan.

Ayon sa 24 Oras, saad ni Michael na matagal na siyang may abs dahil sa kanyang paglaban sa figure skating ngunit naisip daw nito na mas palakasin pa ang kanyang upper body. Tutok siya ngayon sa pagwo-workout, at pinabulaanan ding edited ang kanyang litrato.

“I realized, I watched a couple of the documentaries of the other skaters, and I learned that I have to work out my upper body to maintain good performance,” sambit niya.

Kuwento pa ni Michael, nais din daw niyang maging isang fitness model.

Nasa Amerika ngayon ang Pinoy figure skater at naghahanda para sa 2018 Olympics.

Video from GMA News

MORE ON MICHAEL MARTINEZ:

LOOK: Figure skater Michael Christian Martinez is now a certified hunk

IN PHOTOS: Jaw-dropping photos of ice skating hunk Michael Christian Martinez you've got to see!