Showbiz News

WATCH: Maxine Medina, bukas mag-Filipino at magkaroon ng translator sa Miss Universe competition

By BEA RODRIGUEZ

Marami ang bumabatikos kay Miss Philippines Maxine Medina dahil sa kanyang kahinaan sa oral communication at English skills.
 
Matatandaang naging viral ang kanyang send-off interview kaya marami ang humikayat sa kanya sa social media na huwag nang ipilit ang salitang hindi siya sanay bigkasin at gamitin na lamang ang wikang Filipino para mas lalong maintindihan ang nais niyang sabihin.
 
READ: Maxine Medina’s mentor defends her from those who criticized her spoken English
 
Tugon ni Maxine sa 24 Oras, “Napakaganda ng Tagalog, and there [was] this one time [when] Pia and [I] were talking and all the candidates [were like], ‘Oh, it’s nice to hear you talking in Tagalog.’ For me, wala namang masama kung magta-translate tayo, and I’m here also to win.”
 
Present sa “We Rise Against Hunger” charity event ang binibini kasama ang ibang candidates ng Miss Universe kung saan nag-impake sila ng 100 boxes of rice meals para sa 43,000 katao na makikinabang nito. 


Video courtesy of GMA News

Panoorin ang Miss Universe live sa GMA on January 30 (Monday) at 8:00 am.

MORE ON MAXINE MEDINA:
 
WATCH: Ariella Arida on bashing of Maxine Medina: “Suportahan na lang natin si Max”
 
WATCH: Venus Raj, may paalala para kay Maxine Medina
 
READ: Gloria Diaz on Maxine Medina winning the Miss Universe crown: “No, but I think she has a chance”