Showbiz News

GMA TV Exec, tinukoy ang mga shows na nagdala sa GMA sa no. 1 spot

By ANN CHARMAINE AQUINO

Ilan sa mga tinalakay sa press conference ng GMA Entertainment TV nitong Lunes, January 16, ay ang mga top performers ng Kapuso network. Bukod sa pamamayagpag ng Encantadia, ano pa ang ibang mga programa na nakakakuha ng magandang ratings?

Ayon kay Senior Vice President for Entertainment TV Lilybeth G. Rasonable, "Of course nandiyan si (Alyas) Robin Hood, from day one undefeated 'yan hanggang ngayon hindi pa rin lamang ang kalaban. Tapos Someone To Watch Over Me was a pleasant success kasi kakaiba din siya. Wala siyang kontrabida, ang kontrabida niya sakit. Ibang-iba talaga 'yun."

Kasama rin sa mga top performers ang news program na 24 Oras at iba pang GMA Telebabad shows. 

"Of course 24 Oras, it was that block. That time block, and of course Descendants of the Sun also pave the way for Alyas Robin Hood."

"The Primetime block brought GMA to number 1," pagtatapos niya.

MORE ON GMA ENTERTAINMENT: 

"Tapos na 'yung panahon ng showbiz talk shows" -GMA SVP for Entertainment Lilybeth Rasonable

MUST-READ: 'Mulawin versus Ravena's official cast announced

GMA Network TV exec, nagsalita tungkol sa 'no to soft porn' policy na isinusulong ni Mocha Uson