Showbiz News

WATCH: Miss Universe candidates, nakisayaw ng Patong kasama ang mga katutubo sa Baguio

By BEA RODRIGUEZ

Malamig man ang klima ay mainit namang sinalubong ng mga lokal ng Baguio ang mga pinakamagandang babae sa daigdaig dahil tila napaaga ang Panagbenga Festival na ibig sabihin ay “Flower Festival” sa Ingles.
 
In full bloom ang mga bulaklak sa floats na sinasakyan ng 24 candidates ng Miss Universe kasama si reigning queen Pia Wurtzbach habang binabati ang mga tagaroon.
 
Mahigit 2,000 kabataan ang nagtanghal para sa grand welcome na pinaghandaan pa mula Agosto noong nakaraang taon.
 
Nag-tree planting, strawberry picking, binisita ang ilang art exhibits at enjoy na nakisayaw ng katutubong sayaw na Patong ang mga naggagandahang dilag.
 
“It’s beautiful, it’s lovely outside and the people are so awesome,” ang naging obserbasyon ni Miss Canada Siera Bearchell.
 
Mapapanood na ang nalalapit na coronation night ng Miss Universe sa January 30, 8 a.m. sa GMA.
  

Video courtesy of GMA News

MORE ON MISS UNIVERSE:
 
WATCH: Miss Universe Organization Presidnt Paula Shugart bilib kay Pia Wurtzbach
 
WATCH: Maxine Medina, bukas mag-Filipino at magkaroon ng translator sa Miss Universe competition
 
WATCH: Miss Vietnam, natapilok sa Miss Universe swimsuit competition!