TV

Glaiza de Castro at Gabby Eigenmann, may nakaraang pag-iibigan?

By CHERRY SUN

Mapapansing may magkahawig na posts sina Glaiza de Castro at Gabby Eigenmann sa kani-kanilang Instagram accounts. 

“Finally got to work with my Leo,” sambit ni Glaiza.

 

“It’s  been a while.. Finally working with my Kate,” saad naman ni Gabby.

 

Tila nagpapahiwatig ang mga ito tungkol sa kanilang relasyon ngunit ito ay tungkol pala sa episode ng Dear Uge na kanilang pagbibidahan.

Gaganap si Glaiza bilang si Camille, ang mabuting maybahay ni TJ, na bibigyang-buhay naman ni Gabby. 

Maayos ang kanilang pagsasama hanggang matuklasan ni Camille si Apple (Sanya Lopez), ang kabit ng kanyang mister. Dahil dito ay magsasampa siya ng annulment case.

Ngunit, paano na kung magkamabutihan sila muli bago matupad ang kanilang annulment? Ang dating legal wife na ba ang magiging kabit, at ang dating kerida ang magiging future legal wife?

Huwag palampasin ang kuwentuwaang ‘Kabit Ko Si Misis’ sa Dear Uge ngayong Linggo, January 22!