Showbiz News

WATCH: Uwian na dahil narito na si 'Salt Bae-Toy'

By MARAH RUIZ

Hindi magpapahuli si Kapuso comedian Michael V sa nauusong paggaya sa viral star na si Salt Bae.

May Pinoy twist ang impersonation ni Bitoy dahil lechon ang kanyang ihahain. 

Galing ito sa birthday surprise ng cast at crew ng GMA hit sitcom na Pepito Manaloto para sa kaarawan ni Arthur Solinap.

Paano kaya ihahain ni Bitoy ang lechon sa mga bisita?


Kumalat ang mga videos ni Salt Bae sa Internet dahil sa kakaibang paraan ng paglalagay niya ng asin sa kanyang mga niluluto. 

Sa tunay na buhay siya ay ang Turkish chef na si Nusret Gökçe na may-ari ng ilang steakhouses sa Turkey at Dubai. 

Marami na ring iba pang celebrities na gumawa ng kani-kanilang Salt Bae impressions. Kabilang sa mga ito ang mga komedyanteng sina Sef Cadayona at Jerald Napoles, pati na si race car hottie Marlon Stockinger. 

MORE ON SALT BAE:

WATCH: Sef Cadayona's take on viral sensation 'Salt Bae'

Marlon 'Asin Bae' Stockinger to rival 'Salt Bae?'

WATCH: Jerald Napoles, next level 'Salt Bae'