Showbiz News

Christian Bables ng 'Die Beautiful,' mapapanood sa 'Magpakailanman' ngayong Sabado

By FELIX ILAYA

Matapos ang kaniyang kagila-gilalas na performance bilang Barbs sa Metro Manila Film Festival 2016 entry na Die Beautiful, tila marami ang nagbansag kay Christian Bables bilang isa sa mga artistang dapat subaybayan ngayong taon.

WATCH: Christian Bables, isang artistang dapat subaybayan ngayong 2017

Kung namangha kayo sa pag-arte ni Christian, dapat niyong tunghayan ang episode ng Magpakailanman ngayong Sabado, January 21 kung saan mapapanood ang aktor bilang isang binatang nagkasakit ng tipus.

Inamin ni Christian na na-intimidate daw siya nang malaman ang kuwento ng karakter na kaniyang bibigyang buhay.

"Nung una kong nabasa 'yung script, natakot ako kasi ang laking responsibility nito ah. Dati sanay tayo na support lang, eh ngayon nabigyan tayo ng lead role so medyo kinabahan ako," sabi ng aktor.

Makakaeksena niya ang batikang aktres at direktor na si Gina Alajar. Marami raw naitulong si Gina upang mawala ang kaba niya.

Aniya, "Sabi niya (Gina Alajar), nanay na lang daw ang itawag ko sa kaniya. Ayon pa lang, sobrang generous niya na as an actress na bine-break niya 'yung wall naming dalawa."

Panoorin ang buong ulat ni Lhar Santiago sa 24 Oras below:


Video courtesy of GMA News

 

MORE ON CHRISTIAN BABLES:

 

WATCH: Deleted scenes from 'Die Beautiful' will leave you in tears

READ: Paolo Ballesteros at Christian Bables, na-touch sa mensahe ni Direk Jun Robles Lana

WATCH: MMFF Best Supporting actor awardee Christian Bables steals spotlight on his first 'Sunday PinaSaya' guesting