Showbiz News

Wyn Marquez expresses support for PH Miss Universe bet Maxine Medina

By MARAH RUIZ

Dahil nalalapit na ang coronation ng pinakaaabangang Miss Universe 2016 pageant, inalala ni Kapuso actress Wyn Marquez ang kanyang karanasan sa pagsali sa isang beauty pageant.

Taong 2015 nang subukan ni Wyn na sumali sa Binibining Pilipinas pageant kung saan nakapasok siya sa Top 15 pero hindi siya pinalad na makuha ang korona.

Nag-enjoy naman daw si Wyn sa mismong araw ng pageant kahit na mahirap ang pinagdaanang paghahanda. 

Nakaranas din siya ng pamba-bash ng mga netizens, kaya hinikayat niya ang mga Pilipino na suportahan ang kandidata ng Pilipinas para sa Miss Universe 2016 na si Maxine Medina kaysa punahin ang mga pagkukulang nito. 

Maaalalang na-bash si Maxine dahil sa sagot niya sa tanong tungkol sa kanyang advocacy noong send-off party niya.


"Can't help but miss the time I was strutting and posing and just having the time of my life at the binibining pilipinas coronation night. Alam niyo the trainings are tough Pero mas "tough" o mas grabe pang babash saakin before this night and nakakadown pero laban padin ang nasa utak. Kaya sana supportahan nalang natin lahat si Maxine at wag niyo na siya i-down im sure ginagawa niya lahat para itaas at flag natin. She's Ms Universe PH for a reason kaya magtiwala tayo. Good luck Maxine!" sulat ni Wyn sa kanyang Instagram account.

Samantala, may live broadcast ang GMA sa coronation ng Miss Universe 2016. Panoorin ito January 30, 8:00 am sa GMA!

MORE ON MISS UNIVERSE 2016:

Ariella Arida on bashing of Maxine Medina: "Suportahan na lang natin si Max"

WATCH: Venus Raj, may paalala para kay Maxine Medina