Showbiz News

Marian Rivera, balik teleserye na nga ba?

By GIA ALLANA SORIANO

Excited na ba kayo na muling mapanood sa telebisyon ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera?

Well, tila malapit na itong mangyari!

Today, (Jan. 22) may post ang dating production coordinator ng GMA show na 'Poor Señorita na si Erich Maca sa kanyang Instagram account. Sa larawan makikita na kasama nito si Marian.


Hindi naman naging madamot sa tugon ang aktres. "Yaaay! Oo soon na talaga, back to work na si "Nanay" hahahah!"

 

 

Nangangahulugan ba nito ang pagbabalik primetime ni Marian?

Wala mang naibigay na detalye ang dalawa, may mga netizens namang na nagpahayag ng kanilang excitement sa possibilidad na ito.

 

 

MORE ON MARIAN RIVERA:

MUST-SEE: First TV commercial ng pamilya Dantes, out na!