Showbiz News

LOOK: Miss Universe winners Gloria Diaz, Pia Wurtzbach, and Margie Moran in one photo!

By GIA ALLANA SORIANO

Magkasama sa iisang litrato ang tatlong nag-uwi ng korona ng Miss Universe sa Pilipinas. Ang 1969 Miss Universe na si Gloria Diaz, 1973 Miss Universe Margie Moran, at ang reigning Miss Universe na si Pia Wurtzbach.


Nakilala rin ang tatlo dahil sa kanilang quotable answers sa Q&A portion ng pageant. Kilala si Pia sa kanyang statement na "confidently beautiful with a heart." 

Si Gloria naman sa kanyang short but witty na sagot sa tanong na: "In the next day or so, a man will land on the moon. If a man from the moon landed in your hometown, what would you do to entertain him?" Aniya, "Oh, just the same things I do. I think if he has been on the moon for so long, I think when he comes over he wants to change, I guess. "

Very honest naman ang sagot ni Margie Moran nang tanungin siya kung ano'ng gagawin niya kung may one million dollars siya. Ika niya, ""House and lot, because it's the most expensive thing and I can't afford it."

Samantala, may live broadcast ang GMA sa coronation ng Miss Universe 2016. Panoorin ito January 30, 8:00 am sa GMA!

MORE ON MISS UNIVERSE:

LOOK: Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach is back in Manila