Showbiz News

Boobay, balik-trabaho na sa 'Sunday PinaSaya' matapos ma-stroke

By OWEN ALCARAZ

Matapos ang ilang buwan ng therapy, balik na sa pagpapatawa sa telebisyon ang mahusay na komedyanteng si Normal Balbuena, mas kilala sa pangalang Boobay.


Ngayong araw, (Jan. 22) bumalik na nga sa trabaho si Boobay at ang unang sabak niya ay ang show na Sunday PinaSaya.


Matatandaang na-stroke si Boobay noong November ng nakaraang taon. Kasama ang partner nitong si Kent Juan Resquir ay unti-unting bumuti ang lagay ng kalusugan ng Kapuso comedian.

Marami ding mga kaibigan ang tumulong kay Boobay at isa na rito ay ang best friend niyang si Marian Rivera. 

Hindi naman pinalampas ni Boobay ang pagkakataong makapagpasalamat sa kaibigan.


Sulat ni Boobay, "...salamat loves @therealmarian ... salamat sa lahat... ?????? i love you..." 

MORE ON BOOBAY:

Boobay gets sweet message from BF: "I will take care of you until the end of time"

WATCH: Boobay, masiglang nag-perform sa birthday ni Sheena Halili