Showbiz News

WATCH: Gloria Diaz, nilinaw ang sinabing maliit ang chance ni Maxine Medina sa Miss Universe

By BEA RODRIGUEZ

Hindi sinabi ni Miss Universe 1969 Gloria Diaz na hindi deserving ang pambato ng Pilipinas na si Maxine Medina na masungkit ang korona at mapangalanang Miss Universe 2016.

READ: Gloria Diaz on Maxine Medina winning the Miss Universe crown: “No, but I think she has a chance” 

Ang ibig sabihin ng dating beauty queen ay one in a million ang chance ni Maxine dahil host country ang Pilipinas ng pageant ngayong taon. Magmumukhang unfair raw ito para sa ibang kandidata kung ang Philippine bet ang mananalo.

“I don’t think I’ve ever heard of a country hosting then sila ang nanalo kasi it doesn’t seem very hospitable. Siyempre, kailangan mag-first runner-up siya,” paglinaw ni Ginang Diaz sa panayam ng Unang Hirit.

LOOK: Isabelle Daza as mom Miss Universe 1969 Gloria Diaz 

Sa katunayan, gandang-ganda ang beauty queen-turned-actress sa dalaga at sinabing pwede niyang maging anak ito dahil sa kanilang pagkakahawig.


Panoorin ang performance ng ating pambato sa nalalapit na 65th Miss Universe competition sa January 30 na mapapanood live sa GMA ng 8:00 a.m.

MORE ON MAXINE MEDINA:

WATCH: Pia Wurtzbach thinks 2016 Miss Universe candidate Maxine Medina has potential

WATCH: Maxine Medina, bukas mag-Filipino at magkaroon ng translator sa Miss Universe competition 

WATCH: Venus Raj, may paalala para kay Maxine Medina