Showbiz News

WATCH: Pia Wurtzbach, naging emosyonal matapos mapanood ang musical tribute para sa kanya

By BEA RODRIGUEZ


Naging emosyonal si reigning Miss Universe Pia Wurtzbach nang mapanood ang kanyang success story sa pamamagitan ng isang musical tribute.

Present sa event ang presidente ng organisasyon na si Paula Shugart, maging ang mga kandidata ng 65th Miss Universe kaya ito ang naging mensahe ng actress-turned-beauty queen para sa kanila.

WATCH: Miss Universe Organization President Paula Shugart, bilib kay Pia Wurtzbach 

“I hope you guys were inspired by my story. I hope that whoever you are, whatever you believe in, whatever age you are, whatever situation you’re in, if you have a dream, you hold on to that dream because you never know when that dream will come true,” payo ni Miss Universe 2015.

Living proof raw ang kanyang mga pinagdaanan bago masungkit ang korona at ang kanyang journey bilang isang Miss Universe sa loob ng isang taon. Ayon kay Queen P, “That’s what I did and it happened to me. I know that it can also happen to you.”

Busy at hindi madali ang tungkulin ng isang Miss Universe kaya gusto ng kanyang boyfriend na si F1 race car driver Marlon Stockinger na magpahinga siya pagkatapos ipasa ang korona. Aniya, “It’s just taking it easy, and I want her to relax also and just have time for herself.”

WATCH: Marlon Stockinger on Pia Wurtzbach: “Siya ‘yung may korona, ako naman may helmet” 

Isang linggo na lang at malalaman na natin kung sino ang susunod sa yapak ni Pia. Tunghayan ang pinakamalaki at pinakainaabangang beauty pageant sa January 30, live sa GMA ng 8:00 a.m.

 

MORE ON PIA WURTZBACH:

WATCH: Want to be Pia Wurtzbach’s VIP at the Miss Universe competition? 

WATCH: What’s next for Pia Wurtzbach after her Miss Universe reign? 

LOOK: Pia Wurtzbach’s Miss Universe journey in 20 photos