Showbiz News

LOOK: Miss Nicaragua Marina Jacoby, nanguna sa 5th Official Hot Picks ng Missosology

By BEA RODRIGUEZ

Ilang preliminary pageant activities na ang nasilayan ng mga experts sa 65th Miss Universe at sa panglimang beses ay prinisinta ng Missosology ang kanilang fearless forecast kung saan standout si Miss Nicaragua Marina Jacoby.


Umakyat naman ang pwesto nina Miss Thailand Chalita Suansane at Miss Venezuela Mariam Habach sa top two at three spots.

LOOK: Miss Thailand Chalita Suansane, mahigit sampung bagahe ang dala sa Pilipinas!

Nalaglag naman mula sa top spot si Miss Philippines Maxine Medina at naging fourth placer.

LOOK: Maxine Medina, nanguna sa pre-arrival hot picks ng Missosology 

Todo namang nag-shine sa swimsuit presentation si Miss Sierra Leone Hawa Kamara kaya napabilang siya sa unang pagkakataon sa top five hot picks.

WATCH: Ilang Miss Universe candidates, standout sa swimsuit fashion show 

Pasok pa rin sa listahan ng top 15 sina Miss Brazil Raissa Santana, Miss Barbados Shannon Harris, Miss Mexico Kristal Silva, Miss Colombia Andrea Tovar, Miss Puerto Rico Brenda Jimenez at si Miss Argentina Estefania Bernal.

 

Nalalapit na ang 65th Miss Universe competition at ito ay mapapanood live sa GMA ng 8:00 a.m. sa January 30.

MORE ON 6TH MISS UNIVERSE:

WATCH: Miss Universe candidates, nag-enjoy sa multi-million dollar yacht papuntang Batangas 

IN PHOTOS: The luxury yacht used by Miss Universe candidates 

WATCH: Miss Universe candidates, nakisayaw ng Patong kasama ang mga katutubo sa Baguio