TV

Ano ang reaksiyon nina Rhian Ramos, Solenn Heussaff at Carla Abellana sa pagsali sa 'People vs. The Stars?'

By ANN CHARMAINE AQUINO

Last Sunday, January 22, naglaro ang Kapuso beauties na sina Rhian Ramos, Carla Abellana at Solenn Heussaff sa bagong game show ng Kapuso network, ang People vs. The Stars.

Sa isang video, ipinakita ni Rhian ang kanyang naramdaman habang pinapanood ang kanilang pagsabak sa bagong game show.


SNEAK PEEK: Rhian Ramos, Carla Abellana, at Solenn Heussaff magpapakita ng galing sa 'People vs. The Stars'

Ayon sa kaniyang Instagram post, "How difficult could it be?! My thoughts while watching #PeopleVsTheStars hosted by @iyavillania and @drewarellano"

Inihalintulad niya sa The Ultimate Handshake ang kanilang ginawa na pinasikat ng online personality na si Ryan Higa. Ang Ultimate Handshake ay sumikat dahil sa isang kuwento ng awkward handshakes na hinaharap ng iba't ibang tao.

Sa pag-imbita ni Carla sa kanyang mga followers, inilahad naman niya ang kanilang pinagdaanan sa People vs. The Stars. Aniya, "Panoorin niyo kaming maloka sa mga mahihirap at nakakalitong mga tanong samin nina @iyavillania at @drewarellano sa panibagong game show ng @gmanetwork , ang #PeopleVSTheStars"


Nag-share din ng photo si Solenn kasama ang kanyang Kapuso friends na sina Rhian at Carla.


Sa episode na ito, nakapag-uwi ng PHP 90,000 sina Rhian, Solenn at Carla habang ang people ay maghahati sa PHP 110,000.

MORE ON 'PEOPLE VS. THE STARS': 

People vs the Stars: People Question of the Week | Episode 2

People vs the Stars: Sporty 'Brain Buster' | Episode 2

Iya Villania at Drew Arellano, umani ng positive feedback mula sa netizens dahil sa 'People vs. The Stars'