Showbiz News

WATCH: Pres. Duterte on Miss Universe candidates' courtesy call: 'I hope this day will never end'

By BEA RODRIGUEZ

Nabighani si President Rodrigo Duterte sa mga naggagandahang dilag na bumisita sa kanyang opisina noong nakaraang araw nang mag-courtesy call ang mga kandidata ng 65th Miss Universe sa Malacañan Palace. 


Isa-isang rumampa papasok ng Rizal Hall ang mga dalaga at nakipagkamay sa kanilang meet and greet sa presidente ng Pilipinas.
 
Sa tangkad ng mga kandidata, nagbiro si Digong na kailangan niya yatang mag-chin up para makahabol sa height.
 
May inamin pa siya sa kanyang mga bisita, “They told me that I must behave in my language and with the adjectives that I would be using. I’d like to make an admission that never in my life I have been in a room full of beautiful women. I hope this day will never end.”
 
Uso rin pala kay Duterte ang mga pick-up lines kapag siya ay napapalibutan ng mga pinakamagandang babae sa daigdig.
 
Dagdag niya, “God is really good. Aside from the worries of governance, we hold the troubles in the world. When we look at you, we forget the universe, but only you.”
 
Hindi nakadalo sa pagpupulong sina Miss Switzerland Dijana Cvijetic at Miss Finland Shirly Karvinen dahil may sakit, ayon kay Tourism Secretary Wanda Teo na malat na ang boses. Aniya, “It’s because of the heat. For us, [it’s] because of the sleepless nights.”
 
Inimbitahan pa nila si Duterte sa 65th Miss Universe coronation night na magaganap sa Mall of Asia Arena sa January 30 ngunit wala pang tugon ang presidente. Mapapanood naman ito live sa GMA ng 8:00 a.m.

 


Video courtesy of GMA News

MORE ON THE 65TH MISS UNIVERSE:
 
LOOK: Pia Wurtzbach meets President Rodrigo Duterte
 
LOOK: Miss Nicaragua Marina Jacoby, nanguna sa 5th Official Hot Picks ng Missosology
 
WATCH: Gloria Diaz, nilinaw ang sinabing maliit ang chance ni Maxine Medina sa Miss Universe