Showbiz News

Ilang celebrities, kalusugan at tagumpay ang birthday wish para kay Willie Revillame

By CHERRY SUN

Nagkakaisa ang ilang celebrities na nakatrabaho ni Willie Revillame sa kanilang birthday wish para sa Wowowin host.

Bongga ang naganap na celebration ni Kuya Wil noong nakaraang Biyernes, January 27. Dinaluhan ito ng kanyang pamilya sa pangunguna ng kanyang panganay na si Meryll Soriano, partners mula sa WBR Productions at GMA Network, mga kapwa artista at mga dati nang nakasama sa industriya.

Hiling ng malalapit kay Willie ay kalusugan para sa kanya at tagumpay ng kanyang programa.

Ani Bianca Umali, “Kuya Wil, happy, happy birthday. Honestly, it’s really hard to wish for someone who has everything, almost everything, but I wish him happiness, contentment, good health of course, and more, more, more blessings. Kasi for sure, at kitang-kita naman nating lahat na love na love siya ni Lord.”

Pag-sang-ayon din ni Kim Domingo sa kanyang hiling, “Syempre ang wish ko good health, at maging successful lahat-lahat ng ginagawa mo sa buhay. Sana marami ka pang matulungan. Maraming salamat, Kuya. Happy, happy birthday!”

Ipinagdarasal din ni Klea Pineda ang kaligtasan ni Willie.

Sambit niya, “Ang wish ko po kay Kuya Wil, sana mas marami pa po siyang matulungan na tao dito sa ating bansa. Sana marami pa siyang mapasaya at good health, syempre. Dapat alagaan natin ang health kasi mahirap na pag magkasakit siya. So dapat palaging iingatan ang sarili. God bless you always, Kuya Wil. Love you!”

Saksi naman ang co-hosts ni Willie na sina Kimchi at Ariella Arida sa kanyang kasipagan at kabutihang loob.

Wika ni Kimchi, “More success and good health talaga. Syempre, [sana] marami pa siyang matutulungan na tao, and mas marami pa siyang pwedeng gawin sa buhay.”

“Good health talaga, unang-una. Tsaka sana more power sa show, mas tumagal pa para mas marami matulungan. Tsaka actually, on and off cam, si Wil talaga sobrang generous at mabait sa lahat,” dugtong ni Ariella.

Happy birthday, Kapuso!

Video from GMA News

MORE ON WILLIE REVILLAME:

READ: Meryll Soriano, inaming mas malapit na siya ngayon sa kanyang amang si Willie Revillame

WATCH: Willie Revillame's star-studded 56th birthday celebration

Photos by: @wbrnetizens (IG)