Showbiz News

WATCH: Regine Velasquez-Alcasid, masaya sa pagmamahal ni Leila Alcasid sa kapatid na si Nate

By ANN CHARMAINE AQUINO

Sa ginanap na press conference ng Full House Tonight, inihayag ni Regine Velasquez-Alcasid masaya siya na nandito sa Pilipinas ang panganay ni Ogie Alcasid at Michelle Van Eimeren na si Leila.

Ayon sa isang panayam ng 24 Oras, ito ang nagbibigay ng saya sa kanya tuwing siya ay umuuwi sa kanilang bahay.

Aniya, "I'm always excited to come home because she'll be there." 

Bukod dito kitang kita ni Regine ang pagmamahal ni Leila sa kanyang kapatid na si Nate.

Saad ni Regine, "Nakakatuwa siya kasi mahal na mahal niya ang kapatid niya eh."

Isa sa mga nakakatuwang post nilang magkapatid ay nang ipinasilip ni Leila ang vlog (video blog) na kalaro si Nate.

 

 

Panoorin ang ulat ni Nelson Canlas: 

 

MORE ON REGINE VELASQUEZ-ALCASID:

Regine Velasquez hosts a dinner party for Team 'Full House Tonight!'

Regine Velasquez-Alcasid, inalala ang yumaong ama na si Mang Gerry