Showbiz News

WATCH: Ina Raymundo re-enacts 'Sabado Nights' commercial with Vic Sotto

By BEA RODRIGUEZ

Tumatak sa karamihan ang “Sabado Nights” San Miguel Beer commercial ng dating commercial model-turned-actress na si Ina Raymundo noong 1995. 


Ito ang kanyang naging big break sa pagpasok sa mundo ng showbiz at sa sumunod na taon ay bumida na rin siya sa pelikulang Sabado Nights.
 
Nawala sa spotlight ng showbiz ang sexy actress nang magpakasal siya sa kanyang Ukrainian-born Canadian citizen husband na si Brian Poturnak at sa loob ng mahabang panahon ay naging ina siya sa kanilang limang anak.
 
Naging matunog muli ang pangalan ni Ina nang magdesisyon siyang manirahan ulit sa Pilipinas kasama ang kanyang pamilya at bumalik sa industriya noong 2015.
 
Pagkatapos ng halos 22 years ay walang kupas ang hot momma of five at muling ginawa ang kanyang “Sabado Nights” commercial pero ngayon ay kasama niya sina Bossing Vic Sotto at ang manugang nitong si Marc Pingris.


 Subaybayan si Ina sa millennial-oriented show na Trops bilang si Binibini Macauba mula Lunes hanggang Biyernes ng 11:30 a.m.
 
MORE ON INA RAYMUNDO:
 
WATCH: Ina Raymundo dances to ‘Sabado Nights
 
WATCH: Double celebration ni Ina Raymundo
 
Ina Raymundo, hot mom of five

Photos by: @inaraymundo95(IG)