Showbiz News

WATCH: Itatayong flower shop ni Marian Rivera, regalo ni Dingdong Dantes

By AL KENDRICK NOGUERA

Bukod sa pagiging busy sa kanyang pagbabalik telebisyon, pinaghahandaan na rin ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang kanyang business venture. Magtatayo ang aktres ng isang kakaibang flower shop na tatawagin niyang Flora Vida.

WATCH: Marian Rivera, nagbigay ng update sa pagbabalik Primetime

Kuwento ni Marian sa interview ni Lhar Santiago sa 24 Oras, magiging hands-on daw siya sa business na ito. "Mahilig talaga ako sa bulaklak. Kapag ginagawa ko siya, may ibang fulfillment akong nararamdaman sa sarili ko. Ako ang mag-a-arrange mismo, walang ibang tao kung 'di ako lahat [ang] gagawa," saad niya.

Dagdag pa ni Marian, ang kanyang asawa na si Dingdong Dantes pala ang nagregalo ng business registration ng Flora Vida noong nakaraang Pasko. 

Samantala, nag-celebrate ang DongYan ng Valentine's Day kasama ang kanilang anak na si Baby Zia sa Tagaytay. Ani Marian, "Siyempre kasama ko 'yung anak ko, sabi ko nga date namin ng anak ko 'yung asawa ko, so masaya."

Video from GMA News

MORE ON MARIAN RIVERA:

WATCH: Marian Rivera reveals her current vital statistics

WATCH: Dingdong Dantes at Marian Rivera, nag-away sa kanilang Valentine's date?

Dingdong Dantes & Marian Rivera reveal their differences in a fast food commercial?

Photos by: @therealmarian(IG)