Showbiz News

EXCLUSIVE: Mikee Quintos, planong mag-organize ng baby shower para kay Kylie Padilla

By AEDRIANNE ACAR

Nakasama ni Mama Belle sa Sikat sa Barangay this Thursday morning ang isa sa most-promising actress ng Kapuso Network na si Mikee Quintos.

Dito eksklusibong nakapanayam ng GMANetwork.com ang Encantadia star at nai-kuwento nito na sobra niyang nami-miss ang co-star niya na si Kylie Padilla na gumaganap bilang si Sang’gre Amihan.

 

 

Photo by: @mikeequintos(IG)

Last month, kinumpirma na ni Kylie na pinagbubuntis niya ang panganay nilang anak ni Aljur Abrenica.

Ani Mikee, “Like the other day lang nag-text ako sa kaniya [ng] "I miss you." Tapos sabi niya "Kamusta? Ang ganda na ng takbo ng story. Ano na nangyayari sa set?," ganyan. Tapos nag-update ako.”

Dagdag niya, “Sabi ko nga magse-set ako ng baby shower niya ako sa cast for Enca[ntadia] lang, kinilig siya eh.”

Hindi rin daw maiwasan ni Mikee at ng ibang Encantadia stars na kabahan tuwing sasabak noon sa mga fight scenes si Kylie, dahil kahit buntis ito ay todo pa rin ang aktres sa mga fight scenes.  

“Gusto din niya eh…grabe. Siyempre kapag mayroon siyang mga moments na matatalisod siya lahat kami, "Uy!" Siya pa ‘yung walang paki, tapos mahihiya siya pero ganun din naman, normal pa rin. Hindi nag-change si Kylie sa pagkakulit niya, which is what we love about her.”

Dapat din daw abangan ng mga Encantadiks ang mas lalong gumagandang istorya ng telefantasya series at ang mga bagong artista na makakasama sa show.

Aniya, “Huwag kayo bibitaw sobrang dami pang mangyayari, ang daming papasok na bigger names and dun pa lang mae-excite po kayo and na-excite din po ako na ma-meet ‘yung mga artista, ‘yung mga dadating. And na-excite ako maka-trabaho sila iba din po ‘yun eh, so ‘yun and ‘yung twist huwag silang masyadong mag-doubt kasi maganda ‘yung mga mangyayari.”

MORE ON 'ENCANTADIA':

#HuwagTakpan: Artistahing Lirean cuties captivate social media

LOOK: Meet Encantadia's Bathaluman Ether, Janice Hung    

 7 reasons why Inah de Belen is perfect for 'Encantadia'

Photos by: @mikeequintos(IG)