Showbiz News

READ: Mark Herras, nilinaw na hindi pa sila engaged ni Wyn Marquez

By CHERRY SUN

Kasunod ng pinag-usapang Instagram post ni Mark Herras, nilinaw ng aktor na hindi pa sila engaged ng kanyang nobyang si Wyn Marquez.

Sa Japan nag-celebrate ng Valentine’s day sina Mark at Wyn. Sa sobra nilang sweet ay maraming nag-akala na engaged na ang dalawa.

 

Gayunpaman, itinanggi ito ni Mark.

Aniya, “Eto kaming dalawa nagdadasal dahil iisa lang naman ang diyos nating lahat… Nagdadasal kami para sa mas maraming bagay… work, health, family, love, friends, paghingi ng sorry sa mga kasalan[an]. We are not [yet] engaged dahil syempre I will ask permission sa mga magulang ni Wyn. “Dahil ‘yun ang tama at dapat ko siyang buhayin. ‘Di ba?”

Diin din niya, “FYI she’s not pregnant. Wag kasi masyadong assuming ang mga tao… I’m sorry dahil sa mga pinost ko at captions etc etc… Mahal ko ‘yung tao at ipagsisigawan ko sa buong mundo ‘yun. She’s not ready. She has a lot of plans pa sa buhay at gusto kong matupad niya lahat ‘yun.”

 

MORE ON MARK HERRAS AND WYN MARQUEZ:

READ: Mark Herras, gusto na mag-propose kay Winwyn Marquez?

LOOK: Mark Herras and Wyn Marquez are lovers in Japan

READ: Wyn Marquez at Mark Herras, patas sa gastos