Showbiz News

Alden Richards, nami-miss daw si Maine Mendoza tuwing magpupunta sa ibang bansa

By MARAH RUIZ

 

 

Sanay raw si Pambansang Bae Alden Richards na araw-araw nakakasama ang kanyang ka-love team na si Philippine Dubsmash Queen Maine Mendoza. 

Kaya naman aminado siyang nami-miss niya ito kapag umaalis siya ng bansa.

"Siyempre po nakaka-miss naman din. Almost turning two years na po kami ni Maine na always magkasama. Every day po kami magka-work," pahayag ni Alden. 

"Also po, 'yung Eat Bulaga, 'yung taping din po nakaka-miss since nakakasanayan na," dagdag nito. 

Dahil madalas puno ang schedule niya, mas napapahalagahan niya ngayon ang bakasyon at pagpapahinga. 

"Pero sobrang nakaka-refresh lang po sometimes na mag-abroad tapos pagbalik mo you're recharged," kuwento ng aktor.

Gayunpaman, lagi rin naman siyang excited bumalik sa Pilipinas para makapagtrabaho na muli.

"Happy din po ako na nakabalik na and to start working again. Excited din naman po akong makauwi. Na-miss po ng katawan ko na magtrabaho sa Pinas. Parang may ganoon po ako since medyo naging workaholic ako," aniya. 

"Siyempre kailangan pa rin nating umuwi. Kaya umuuwi para mabunuan natin 'yung mga pambakasyon natin in the days to come," pagpapatuloy nito. 

Ayon kay Alden, suwerte talaga siya dahil gusto niya ang kanyang ginagawa.

"'Yun po kasi 'yung kagandahan when you love what you're doing. Kapag mahal mo 'yung trabaho mo, talagang hahanapin ng katawan eh. It has become part of me already, 'yung work ko. Every time I do what I do, iba 'yung happiness po. 'Yung nabibigay po sa akin nitong peace of mind, iba rin," paliwanag niya.

Marami ang nakakapansin at pumupuri sa kasipagan ni Alden, pero kapag nagbabakasyon daw ay iniiba niya ng bahagya ang kanyang routine.

"Walang pressure of time, hawak mo 'yung oras mo. 'Yun lang po'yung kinaganda abroad kasi siyempre you're on vacation. Medyo nababasag 'yung daily routine, medyo hindi siya nasusunod which is good," ani Alden.

Sa kasalukuyan, taping ng kanyang upcoming soap na Destined To Be Yours ang pinagkakaabalahan ni Alden.

Huwag palampasin ang pilot episode nito sa February 27, pagkatapos ng Encantadia sa GMA Telebabad.

Sabay ring mapapanood ang premiere nito sa mga bansa sa labas ng Pilipinas via GMA Pinoy TV. 

MORE ON 'DESTINED TO BE YOURS':

Alden Richards, excited nang bumalik sa primetime

EXCLUSIVE: Alden Richards, mas naka-focus sa kuwento kesa ratings