Showbiz News

Asawa ni Alfred Vargas, 'naaliw' nang makumpara kay Marian Rivera

By BEA RODRIGUEZ

Napansin ng mga netizens ang pagkakahawig ng asawa ni Encantadia star Alfred Vargas na si Yasmien at ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Isang sweet photo ang pinost ng aktor sa social media at maraming nag-akala na ang kasama niyang tisay na babae ay ang kapwa niya Kapuso star, ang Primetime Queen.

 

LOOK: Asawa ni Alfred Vargas, look-alike ni Marian Rivera 

Bumisita ang Kapuso hunk sa Unang Hirit at sinabing “very flattered” umano ang kanyang misis sa natatanggap na mga komento.

 

Kuwento ni Alfred, "‘Di ba kung magkakaroon ka lang din naman ng kamukha, si Marian pa, edi she’s very flattered. Maraming nag-greet sa kanya and na-appreciate naman niya, lalo na sa social media accounts. Aliw din siya.”

Kung si Marian ay half Spanish, si Yasmien naman ay “half Italian and half Filipina” na nagtapos ng Fine Arts sa Milan, Italy.

READ: Alfred, umamin na in love kay Yasmien 

Sa katunayan, noong 2009 pa nagkakilala ang sinasabing magkamukha. Ayon sa aktor, “Nagkita na sila before kasi kasama din ako sa Darna before tapos girlfriend ko pa lang si Yasmien.”

Malapit rin ang Pamilya Vargas sa DongYan, “Actually, si Marian [ay] kumare namin, [sila] Marian and Dingdong [Dantes] sa panganay naming anak.”

IN PHOTOS: Meet the Marian Rivera look-alike wife of Alfred Vargas 

MORE ON LOOK-ALIKES:

IN PHOTOS: Arianne Bautista is the celebrity look-alike of Toni Gonzaga

IN PHOTOS: Kapuso look-alikes