Showbiz News

Paano mag-move on si Rafael Rosell sa isang breakup?


Hindi porket guwapo siya ay hindi na siya nakakaranas ng dalamhati pagdating sa love life. Sa katunayan, isang lover boy itong si Kapuso star Rafael Rosell.

READ: Rafael Rosell, baduy at cheesy sa love?

Kapag ikaw ay nagmahal, hindi maiiwasang mahahati ang iyong puso sa dalawa at aminado ang Kapuso hunk na minsan niya rin itong napagdaanan.

“There was a time in my life that was very dark. I was recovering from a breakup tapos pumunta ako sa dagat,” kuwento ng aktor sa Unang Hirit.

Sa dinami-dami ng kanyang outdoor adventures, ang surfing ang nakapagbuo ulit ng kanyang puso. Dito niya naranasan ang katahimikan na inaasam-asam niya kaya siya ay nakapag-move on mula sa matinding heartbreak.

“Ang weirdo [ko] eh, feeling ko kinakausap ako ng dagat. I felt one with nature, and then I just crave to go out to the ocean para mag-surf. Nandun 'yung sobrang tahimik 'pag umaga eh, and you're just there in the ocean. No one else. Nakalimutan ko lahat,” pagtatapos niya.


Pagkatapos ng success ng GMA Afternoon Prime soap na Sinungaling Mong Puso, muling mapapanood si Rafael sa 2017 remake ng Impostora kasama si Kapuso star Kris Bernal.

MORE ON RAFAEL ROSELL:

WATCH: Rafael Rosell shares his surfing adventure via vlog

WATCH: Rafael Rosell, nag-food trip sa isang vegan festival

WATCH: Rafael Rosell, bakasyon mode na!