Showbiz News

WATCH: Jaclyn Jose, Barbie Forteza at Therese Malvar share their acting secrets

By BEA RODRIGUEZ

Pinangaralan sina Kapuso stars Jaclyn Jose, Barbie Forteza, Sid Lucero at Therese Malvar sa 9th Ani ng Dangal ng National Commission for the Culture and Arts para sa pag-uwi ng kani-kanilang prestihiyosong international achievements.

Hindi lang sila internationally recognized, maging sa Pilipinas ay kinikilala ang kanilang galing at talento sa sining.

Para kay Cannes Best Actress Jaclyn Jose, “Masaya at kontento [ako] dahil parte [ako] ng Ani ng Dangal. Ibig sabihin pati gobyerno ay sumusuporta sa mga achievements ng mga artista gaya ko o sino man sa larangan ng sining.”

Saad naman ni Meant to Be star Barbie Forteza sa suporta na kanyang natatanggap, “Sobrang honored kasi nagagawa ko ‘yung gusto ko at the same time nare-recognize nila ako and nabibigyan ako ng ganitong klaseng privilege and award.”

READ: Jaclyn Jose, Paolo Ballesteros, Barbie Forteza and Therese Malvar, to be honored at the 9th Ani ng Dangal Awards 

Dahil marami na silang napatunayan sa industriya, ibinahagi ng Kapuso stars ang kanilang best kept acting secrets.

Pinakaimportante raw na magampanan mo nang maayos ang role, ayon kay Jaclyn, “’Yung puso ng karakter. Sa lahat naman ng ginagawa ko, ‘yung being ang panlaban ko. Siguro mahal na mahal ko lang ang pag-create ng character.”

READ: Jaclyn Jose, nagkuwento tungkol sa kanyang “no acting” acting 

Apat na katangian naman ang inilahad ni Barbie, “Maraming pasensiya, tiyaga and sipag and huwag mawawala ‘yung passion sa kung ano'ng gusto niyong gawin.”

LOOK: Barbie Forteza wins Best Actress for indie film ‘Laut’ at an international film festival 

Para sa batang aktres na si Therese, isang salita lang ito, “Realness.” Paliwanag niya, “Hindi ‘yung pekeng acting. Be your real self pero ilagay mo rin ‘yung sarili mo doon para mas totoo.”


LOOK: Therese Malvar, hailed as one of film’s finest females by a fashion magazine 

Nag-sample pa sila ng kanilang acting galing sa kanilang mga pinagbidahang indie films.