Showbiz News

WATCH: Kris Aquino, naaksidente habang nagte-taping para sa kanyang bagong TV show

By CHERRY SUN

Hindi pinalad at naaksidente si Kris Aquino sa kanyang taping para sa comeback program niyang Trip Ni Kris.

Ibinalita ng tinaguriang Queen of All Media na hindi niya natapos ang taping para sa kayang bagong TV show dahil sa nangyari sa kanya.

Kuwento niya, “While touring the organic lettuce farm in Bongabon, Nueva Ecija, and while feedin the free range chickens, nahulugan ang left foot ko nung metal fence in the cover picture. Siyempre, camera was rolling so tiniis ko. Pero OMG, ang bigat and my left foot absorbed the full weight.”

 

Sa isa pang Instagram post ni Kris, makikitang siya ay linalagyan ng ice compress at binabalot ng bandage ang kanyang paa. Dahil sa pamamaga at sugat na natamo, kailangan daw muna niyang magpahinga ng isa hanggang dalawang araw.

“No movement muna for 24 hours. And now because of this, sorry sa mga kalabaw at sorry sa mga tilapia, hindi na tayo magmi-meet. Uuwi na ako,” wika ni Kris.

 

MORE ON KRIS AQUINO:

MUST-SEE: Kris Aquino returns to TV via Trip Ni Kris

#YAYAMANIN: Mga celebs na nagmamay-ari ng mamahaling Hermes bags

IN PHOTOS: Kris Aquino's new home is fit for royalty