Showbiz News

READ: Kiko Estrada dedicates acting award to late grandfather Paquito Diaz

By FELIX ILAYA

Kamakailan ay tinanghal bilang Best Actor si Kiko Estrada sa World Class Excellence Japan Awards bilang Jason sa Sinungaling Mong Puso.

Dahil sa parangal na ito, hindi napigilan ni Kiko na magbalik-tanaw at alalahanin ang kaniyang yumaong lolo na si Paquito Diaz. Sa isang Instagram post, nagsulat ng liham ang aktor para sa kaniyang lolo.

 

Ayon kay Kiko, "Pasensya na inabot ako ng anim na taon para matupad ang pangako ko sa'yo. Masaya ako dahil mabibisita na kita palagi. Miss na miss na kita. Alam kong nasa magandang lugar ka ngayon pero minsan nananalangin ako na sana nandito ka para makausap kita, para gabayan mo ako sa larangan ng pag-arte at lalo na sa mga pagsubok ng buhay. At dahil gusto kong makita 'yung reaksyon mo kapag binigay ko 'tong mga award sa'yo. 'Di mo alam kung ilang beses ko nang pinag-isipan kung ano ang magiging reaksyon mo. Mga simpleng bagay lang gaya 'nun ang importante sa'kin, mga alala na iniwan mo, mga tinuro mo sa akin at ang pag-mamahal mo sa pamilya natin. Kontra-bida ka sa mga mata ng iba pero bida ka sa buhay ko, mahal na mahal kita."

Malapit nang mapanood muli si Kiko sa telebisyon. Abangan siya GMA Telefantasya na Mulawin VS. Ravena. 

MORE ON KIKO ESTRADA:

WATCH: 'Mulawin VS Ravena' cast, puspusan ang training dahil bawal magkaroon ng double sa fight scenes 

Kiko Estrada, 'di raw madi-disappoint ang kahit sino sa pagsabak niya sa 'Mulawin vs. Ravena' 

WATCH: Kiko Estrada stars in horror movie 'Pwera Usog'