Showbiz News

LOOK: Sunshine Dizon at estranged husband Timothy Tan, magkasama sa moving up day ng kanilang anak na si Doreen

By AEDRIANNE ACAR

Bagama’t nasira ang relasyon ng Kapuso actress na si Sunshine Dizon at dating asawa na si Timothy Tan, sinusubukan ng dalawa na maging civil para sa kanilang dalawang anak na si Doreen at Anton.

Kahapon ibinahagi ni Sunshine sa Instagram na magkasama sila ni Timothy para suportahan ang kanilang anak na si Doreen para sa kaniyang moving up day.

WATCH: Sunshine Dizon, inurong na ang kaso laban sa asawang si Timothy Tan

 

 

Nitong Enero, inurong na ng Ika-6 Na Utos lead actress ang kaso laban sa kaniyang estranged husband na Anti-Violence Against Women and their Children Act at concubinage matapos magsumite ang Affidavit of Desistance sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Pero binigyan diin ng magaling na aktres na tuloy pa rin ang pag-file niya ng annulment. 

More on SUNSHINE DIZON:

Sunshine Dizon, kinumpirma ang patuloy na pagbisita ni Timothy Tan sa kanilang mga anak    

WATCH: Sunshine Dizon naging emosyonal matapos makaharap sina Timothy Tan at diumano'y third party nito

Isa sa mga anak ni Sunshine Dizon may paalala bago ang unang pakikipagharap sa korte kay Timothy Tan at Clarisma Sison