Showbiz News

WATCH: Jennylyn Mercado, pupunta ng Korea para sunduin ang biological dad niya

By GIA ALLANA SORIANO

 

 

Sa interview ni Lhar Santiago para 24 Oras, naikuwento ni Jen ang kanyang bagong project na 'My Love From The Star' at ang plano niyang pagpunta ng Korea.

 

Aniya, "Nasa half-way na kami nung soap [na 'My Love From The Star,] so medyo nare-relax na kami kasi at least meron na kaming kalahating pondo, and happy kaming lahat sa resulta."

Balak din pumunta ni Jen sa Korea para bisitahin sana ang set ng Korean version ng 'My Love From The Star' at para rin sunduin ang biological dad niya upang mag-stay na sa Pilipinas. Ika ni Jen, nagkausap at nagkasundo na raw sila nito.sila nito.


Naikuwento rin ni Jen ang kanyang leading man na si Gil Cuerva bilang Matteo, at ang ugali nito sa set. Ika niya, "Makulit siya [si Gil] sa mga staff, ganyan. Mahilig siya sa dogs, kasi 'pag dinadala ko si Conor sa set siya lang 'yung gustong humawak talaga, 'yung ayaw na niya ipahawak sa iba."

 


 

MORE ON 'MY LOVE FROM THE STAR':

10 things you didn't know about Gil Cuerva, the Pinoy Matteo Do

LOOK The cast of 'My Love From The Star'