Showbiz News

Ina Feleo teases new line of active wear

By MARAH RUIZ

Bukod sa pagiging aktres at fitness blogger, negosyante na rin si Destined To Be Yours kontrabida Ina Feleo.

Malapit na kasi siyang maglabas ng sarili niyang line na active wear o kasuotang pang-exercise.


Sa kasalukuyan, may ilang styles ng sports bra, leggings at shorts na maaaring i-pre-order mula sa Ina|Activewear.


Para ipakita ang kalidad ng kanyang mga produkto, naglabas din siya ng maikling video kung saan isinuot niya ang ilang piraso mula sa line habang nagyo-yoga.


Samantala, busy pa rin si Ina sa pagganap bilang Catalina sa GMA Telebabad series na Destined To Be Yours kung saan nakakasama niya ang phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Ngayong si Benjie (Alden Richards) na ang tinitignan ni Vicente (Tommy Abuel) bilang tagapagmana ng kanyang kumpanya, mas lalo nang mararamdaman ang galit ni Catalina. 

Abangan ang kanyang mga plano sa Destined To Be Yours, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Encantadia sa GMA Telebabad.

MORE ON INA FELEO:

WATCH: Ina Feleo sings and plays the ukulele version of Destined To Be Yours' "Tadhana"

Ina Feleo, ibinahagi ang kanyang abs and butt workout