Nanlilisik na mata at laging nakataas ang mga kilay ng mga pinanggigigilang mga kontrabida ng 'Pari 'Koy,' 'Let The Love Begin' at 'The Richman's Daughter.'
Nagsisilbi nga sa simbahan ngunit napaka matapobre at nananakit pa ng bata si Madam Martha (Chanda Romero).
Laging sinasaktan ni Simon (Carlo Gonzales) ang kanyang asawang si Noemi (Sunshine Dizon). Bukod dito, dating magnanakaw at basagulero pa ito.
Mukhang na-threaten si DJ Katy Fairy (Gladys Reyes) sa pagdating ni Jeni (Aiai de las Alas) sa kanilang istasyon. Ito na r in ang pumalit sa kanya sa puso ng kanyang ex na si Jom (Mark Anthony Fernandez).
Mainit ang dugo ni Celeste (Donita Rose) kay Jeni dahil sinira nito ang wedding niya.
Malamig din ang pakikitungo niya kay Pia (Gabbi Garcia) dahil nakunan siya nang mahawa sa measles nito noon.
Bakit nga ba ang bait ni Luchie (Rita Daniela) sa iba, ngunit napaka maldita kay Pia?
Dahil sa kagustuhang bigyan ng mabuting buhay ang kanilang anak na si Jade (Rhian Ramos), maipagkakait nina Oscar (Al Tantay) at Amanda Tanchingco (Glydel Mercado) pati ang kaligayahan nito.