Showbiz News

WATCH: Alden Richards at Maine Mendoza, dinagsa ng fans sa LA, California

By CHERRY SUN

Mula airport hanggang concert venue, dagsa ang fans ng phenomenal love team na sina Alden Richards at Maine Mendoza.

Mainit na sinalubong ang AlDub love team ng kanilang mga tagahanga sa Los Angeles International Airport sa California, USA. Ang mga nakaabang na fans ay mula pa sa iba’t ibang panig ng Amerika, habang ang iba ay lumipad pa mula Canada.

Pinagkaguluhan din ang ibang dabarkads na sina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros na sinalubong ng kanyang anak na si Keira.

LOOK: Paolo Ballesteros, sinurpresa ng anak na si Keira pagdating sa U.S. 

Ayon sa ulat ng 24 Oras, thankful daw sina Alden at Maine dahil sa naging pagtanggap sa kanila.

Wika ng aktres, “Sobrang  daming sumalubong sa amin eh.”

“Never ko pong na-experience ‘to kahit [ang] daming beses ko na nakakabalik dito sa LA. So, ngayon nga, we’re very happy to give you Kalyeserye sa US,” sambit naman ng Pambansang Bae.”

Maaga rin pumila ang mga fans sa labas ng Pasadena Civic Center. Pansin din ang kanilang excitement sa suot nilang AlDub shirts at bitbit na banners. Napuno nila ang concert venue na isang patunay na sabik na sabik ang #TeamAbroad na makita ang kanilang mga iniidolo.

Espesyal din daw ang international concert na ito dahil makalipas ang ilang buwan ay ngayon lang ulit nag-reunion sina Alden, Maine, at JoWaPao bilang Kalyeserye stars.

 

Video from GMA News

MORE ON ALDEN RICHARDS AND MAINE MENDOZA:

WATCH: Alden Richards, todo-alalay kay Maine Mendoza sa kanilang unang show sa US

LOOK: Alden Richards, Maine Mendoza, and JoWaPao are ready to perform in 'KS sa US'

EXCLUSIVE: Maine Mendoza asks Alden Richards: "How to be a bae?"