Showbiz News

EXCLUSIVE: Jak Roberto, gustong gumawa ng romcom opposite Barbie Forteza

By GIA ALLANA SORIANO

Sa isang exclusive interview with GMAnetwork.com, naikuwento ni Jak kung ano’ng genre ang gusto niyang gawin kung sakaling magkakaroon siya ng teleserye kasama si Barbie Forteza.

Aniya, “Nung hindi pa nagkakaroon ng Meant To Be, gusto ko talaga magkaroon ng romantic-comedy with Barbie. Like Jolina [Magdangal] and Marvin Agustin. Parang ganun kasi 'yung nakikita ko na magki-click sa aming dalawa. I mean, gusto ko rin na i-explore ‘yung ganung klaseng teleserye with Barbie.”

Bakit ala-Jolina at Marvin naman ang peg ni Jak?

Ika ng aktor, “Kasi nagkaroon kami ng isang guesting sa ‘Maynila’ na ganun ‘yung role namin. Medyo kengkoy ako, tapos si Barbie naman medyo probinsyana. Parang nakita ko na parang cute. May nagsabi na cute raw, pwede raw kaming Marvin at Jolina. So, before Meant To Be, ‘yun ‘yung iniisip ko na excited akong gawin with Barbie.”

MORE ON 'MEANT TO BE':

LOOK: Ivan Dorschner with Dominic Roque and Joseph Marco on men's magazine cover

Ano ang advice ni Jak Roberto sa torpeng character niya na si Andoy sa 'Meant To Be'?

Sino ang office boyfriend mo sa 'Meant To Be' boys?