Showbiz News

READ: Tom Rodriguez, nag-react sa hosting stint ni Carla Abellana sa '24 Oras'

By AL KENDRICK NOGUERA

Si Kapuso actress Carla Abellana ang naghatid ng latest showbiz news sa Chika Minute segment ng nangungunang news show sa primetime na 24 Oras kagabi, April 20.

Matapos ang kanyang hosting stint, agad na nag-post ang kanyang boyfriend at kapwa Kapuso star na si Tom Rodriguez ng kanyang reaksyon. Ibinahagi pa nga ng aktor ang isang video clip ng pagre-report ni Carla.

 

"Heto...ispitsles lang naman sa ganda... #homaygas #kennethggetover #hong #gondoh #lungs," saad ni Tom sa kanyang caption.

Kabilang sina Tom at Carla sa bigating cast members ng inaabangang telefantasya na Mulawin VS Ravena.

MORE ON TOMCAR:

WATCH: Carla Abellana, umaming napag-uusapan na ang future with Tom Rodriguez

Carla Abellana, kinikilabutan pa rin sa pagiging Aviona sa 'Mulawin VS Ravena'

LOOK: Carla Abellana graces the cover of online magazine