Showbiz News

LOOK: Nico Bolzico nag-'nosebleed' sa kaniyang Filipino class

By MARAH RUIZ

Mukhang todo effort ang asawa ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico sa pag-aaral niya ng Filipino.

Sa sobrang sipag niya, dumugo na ang kanyang ilong!

 

Isa ito sa mga joke posts ni Nico at nakuha pa niyang maglagay ng fake na dugo sa kanyang ilong. 

Mahilig kasing gumawa ng mga funny posts, captions at hashtags si Nico, isang Argentine na ang first language ay Spanish, para sa kanyang mga Instagram followers. 

Mapagbiro man, seryoso naman siya sa pag-aaral ng Filipino. Sa Pilipinas kasi kasalukuyang naninirahan si Nico at Solenn at may ilan pa silang mga negosyo dito. 

Kakabalik pa lang nina Nico at Solenn mula sa kanilang bakasyon sa Japan.

MORE ON SOLENN HEUSSAFF AND NICO BOLZICO:

LOOK: Solenn Heussaff and Nico Bolzico's battle of captions in Japan

IN PHOTOS: Nico Bolzico and Solenn Heussaff's "wifezilla" series