Showbiz News

WATCH: Sino-sino ang mga naglalakihang bituin na makakasama ni Marian Rivera sa bago niyang primetime series?

By AEDRIANNE ACAR

Ipinakilala na sa publiko ang mga stars na makakasama ni Marian Rivera sa pagbabalik niya sa primetime.

Ayon sa report ng Unang Balita, ginanap na ang story conference ng bagong show ng Kapuso Primetime Queen na siguradong maaksyon na may halong drama at comedy.

Bagama’t na-miss ni Marian ang paggawa ng primetime series, hindi pa rin daw niya maiwasan isipin na kailangan niyang iwanan minsan ang kaniyang anak na si Baby Zia pag nag-simula na sila sa taping.

Pag-amin ng Kapuso actress, “Sabi ko nga na-miss ko din talaga mag-primetime. Sabi ko lang siguro time management lang, siyempre mahirap pa rin para sa akin iwanan ‘yung anak ko. Kaya kailangan i-balanse talaga.”

Makakasama ni Marian sa kaniyang bagong show ang veteran actress na si Ms. Helen Gamboa, Bubble Gang star Kim Domingo, Kristoffer Martin, Jillian Ward, at Jerald Napoles.

Kabilang din sa teleserye sina Ash Ortega at Enrico Cuenca na sumikat sa isang viral TV commercial ng isang fast-food chain.

READ: Ash Ortega thanks netizens for making her fast food TVC viral

Kuwento naman ng veteran actress na si Helen Gamboa, hindi siya nag-atubiling tanggapin ang show, dahil makakasama niya ang inaanak na si Yan-Yan.

“Nag-uusap kami ni Marian, “Ninang sabi niya pini-pray ko nga na sana tanggapin mo [laughs]. Siyempre naman sabi ko magno-no ba ako eh ikaw ‘yung kasama ko,’” ani Ms. Helen.

Dagdag naman ni Kim Domingo na thankful siya na may bago siyang proyekto at makakasama pa niya ang nag-iisang Kapuso Primetime Queen.

 “Very thankful ako na makaka-trabaho ko si Ms. Marian, si Ate Yan. So, very excited din ako dito.”

Video from GMA News

More on MARIAN RIVERA:

MUST-SEE: Marian Rivera, bakit kinilig sa Instagram post ng former 'Mulawin' star Angel Locsin?

WATCH: Viral videos of Marian Rivera and Baby Z in twinning outfits 

MUST-READ: Marian Rivera's heart-warming message to Flora Vida patronizers