Showbiz News

AiAi Delas Alas, lumibot sa mga palengke para mag-promote ng 'Our Mighty Yaya'

By FELIX ILAYA

Upang mag-promote ng kaniyang upcoming movie na Our Mighty Yaya, bumisita ang comedy queen na si AiAi Delas Alas sa ilang palengke ng Quezon City.

Ayon sa ulat ni Nelson Canlas, sanay daw makihalubilo si AiAi sa mga tindera at mamimili sa palengke.

Wika ni AiAi, "Kasi siyempre, hindi naman lahat ng tao, mayroon computer. 'Eto kasi in fairness naman sila talaga 'yung nagmamahal sa'kin, 'yang mga masang ganiyan, sina kuya [at] sina ate."

Dahil isang Mother's Day film ang Our Mighty Yaya, ano naman kaya ang kaniyang plano sa araw na ito?

"Doon sa bahay, kakapilingin ko ang aking mga anak."

Panoorin ang buong ulat ni Nelson Canlas:

Video from GMA News

MORE ON OUR MIGHTY YAYA:

'Our Mighty Yaya' official trailer hits 1.5 million views

IN PHOTOS: 'Our Mighty Yaya' Sunday Family Day

IN PHOTOS: Aiai Delas Alas and Megan Young in 'Our Mighty Yaya' press conference