Isang nakakalungkot na kuwento ang hatid sa inyo nina Camille Prats at Rafael Rosell ngayong Sabado, May 30, sa 'Magpakailanman.'
Gagampanan nina Camille Prats at Rafael Rosell ang istorya ng buhay nina Mark at Susan, ang mag-asawang dinapuan ng sakit na cancer.
Takot na takot sina Mark at Susan na mawala sa mundo dahil mauulila ang kanilang nag-iisang anak.
Gagawin ni Mark ang lahat para maging normal ang takbo ng buhay ng kanyang pamilya ngunit may mga pagkakataong sinusubukan ang kanyang katatagan.
Naunang na-diagnose ng cancer si Susan kaya't labis na lang ang kanilang pagkabigo nang malamang may malalang sakit din si Mark.
Hindi maipinta ang mukha ni Susan sa masamang balita na bumungad sa kanya.
Wala nang magagawa sina Mark at Susan kung 'di harapin ang hamon sa kanilang buhay.
May pag-asa pa bang gumaling sina Mark at Susan?
Tanging ang Diyos na lamang ang sandata nina Mark at Susan sa kanilang laban.
Kakayanin ba nina Mark at Susan na lumaban para sa kanilang anak?